MEDYO hilo pa si Piolo Pascual nang humarap sa SunPIOLOGY TR10 mediacon dahil kararating lang niya at may jetlag pa siya.

Piolo copy

Ang ganda ng mood ng aktor habang ibinabahagi niya sa media na sampung taon na pala siyang brand ambassador ng Sun Life, kaya muli nitong ginunita kung paano siya naging parte ng taunang charity-sporting event ng Sun Life Philippines, para makalikom ng funds para sa edukasyon at diabetes awareness at tulungan na rin ang mga kababayang Pinoy na magkaroon ng healthy lifestyle.

Bahagyang naikuwento ni Piolo na sampung taon na ang nakararaan nang hingan ng pabor ang mama ni Piolo ng Sunlife, na sabihin sa kanya na kinukuha siyang maging donor sa Hebreo Foundation upang tulungang mapaaral ang mga batang kapus-palad.

Nagpakilalang tita ni Anthony Jennings, rumesbak kay Jam Villanueva

Kaagad namang binanggit ito ni mama Amy Nonato Pascual sa anak at ang unang project nga niya matagumpay na art exhibit. Lahat ng proceeds nito ay napunta sa nasabing foundation.

Dahil na rin sa success ng naturang project ng Sunlife katuwang si Piolo ay ginawa na nilang taun-taon ang event. Naging partner na rin ang Star Magic sa SunPIOLOgy sports event ng aktor kasama na rin ang ibang artists.

Kaya ito tinawag na SunPIOLOGY TR10 ay dahil kabilang na sa nasabing event ang Sun Cycle PH na gaganapin sa Bonifacio Global City sa November 17. Kasunod naman nito ang Sun Life Resolution Run at Sun vs Stars kasama ang Star Magic talents sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City, sa January 26.

“Wellness has been one of our key initiatives for the past years. Now, we are strengthening our message by inspiring more people to ‘live healthier lives’. With our line of new-generation Health and Accident products, Go Well community events, and partnerships such as SUNPIOLOGY, we want to show Filipinos how health and wealth shine brighter together,” paliwanag ni Sun Life Chief Marketing Officer, Ms. Mylene Lopa.

Sa Bike with Sun Life Cycle PH, tatahakin ang four cities tulad ng Taguig, Makati, Manila, at Pasay para ito sa beginner at seasoned bikers tulad ng Family Ride (30mins dur.); Tricycle Ride (100m at 500m); Short Ride (20km); at Long Ride (40km). Kabilang sina Matteo Guidicelli at Piolo sa event bilang ambassadors at ang mga interesado ay maaring magpa-rehistro sa www.sunlife.cycleph.com.

Ang tinatawag namang Run with Sun Life Resolution Run na parte rin ng SunPIOLOGY TR10 ay mangyayari sa ilang bansa sa Asya tulad sa Malaysia (January 13), Indonesia (January 20), Hong Kong at Vietnam (January 27).

Tuloy din ang charity Run dito sa ‘Pinas at pawang sikat na Star Magic talents ang kasama rito. Ang proceeds ay mapupunta sa Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation, at Star Magic scholars. Para sa lahat ng gustong makiisa ay maaring magpa-rehistro sa www.sunpiology.com.

At siyempre, pupuwede bang walang partisipasyon ang mga staff ng Sun Life? Sila ang makakatunggali ng Star Magic artists sa sports fest na tinawag na SUN vs STARS sa mga larong basketball, volleyball, at badminton na gaganapin sa Resolution Run ng Camp Emilio Aguinaldo. Mapapanood ito sa live streaming sa social media kaya tiyak na marami ang excited dito, dahil kahit hindi man sila makapunta sa mismong venue ay mapapanood naman nila ito blow by blow.

-REGGEE BONOAN