Nagpahayag ng paniniwala ang 26 na porsiyento ng mga Pilipino na hindi nagsasabi ng totoo ang pulisya tungkol sa sinasabing panlalaban ng mga drug suspect na napatay sa mga operasyon ng pulisya.

Ganito ang lumalabas na resulta ng second quarter survey ng Social Weather Station (SWS), na isinapubliko nitong Martes ng gabi.

Sinabi na 25% ang naniniwalang nagsasabi ng totoo ang mga pulis habang 47 percent ang “undecided”.

Bunga nito, pumalo sa net zero ang opinyon ng publiko tungkol sa paggigiit ng mga pulis na nanlaban ang mga suspek kaya napatay ng pulisya.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Pinakamababa ang naniniwalang hindi nagsasabi ng totoo ang mga pulis sa Metro Manila na may -25%, sinundan ng Balance Luzon na may -6%, Visayas na may -4% habang sa Mindanao, pinakamalaki ang bahagdan ng naniniwala na nagsasabi ng totoo ang mga pulis sa +31.

Samantala, lumalabas din sa survey na 96% ng mga Filipino ang naniniwalang dapat mahuli ng buhay ng mga pulis ang drug suspek.

Ayon sa SWS, ang survey ay isinagawa noong Hunyo 27-30 sa face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults.

-Fer Taboy