Magsasagawa ang Airport Operations Division ng operasyon para maitaboy ang lahat ng uri ng ibon sa madamong bahagi ng runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maiwasan ang bird strike sa lahat ng eroplano.

Sinabi ni MIAA Operation Chief Octavio Lina na nakatanggap siya ng reklamo mula sa airlines operators at mga piloto kaugnay sa presensiya ng mga ibon na maaaring maging mapanganib sa paglapag at paglipad ng mga eroplano.

Isang grupo ng mga ibon ang namataang palipad-lipad sa lugar at naghahanap ng makakain sa runway drainage system.

Isang eroplano ng Jetstar Airways plane na may dalang 158 pasahero patungong Singapore ang nagbalik sa airport matapos mabangga ng ibon ilang minuto matapos mag-takeoff sa NAIA runway nitong nakaraang linggo at kalaunan ay kinansela ang flight dahil sa seguridad.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

-Ariel Fernandez