MGA TATLONG linggo na ang nakakaraan, personal naming nakausap si Dingdong Dantes nang tumawag ito sa aming cell phone, at inamin nga niya sa aming hindi siya tatakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Dingdong, Marian, at Zia

Pero dahil nirerespeto namin ang kanyang manager na si Perry P. Lansigan, president ng PPL Entertainment, ang management company ng aktor, na i-off the record muna ang balitang ito ay hindi na muna namin isinulat. “Wag muna, in time,” banggit ni Perry.

Hanggang sa dumating na nga ang tamang panahon. Ang anunsiyo or “official statement” ay galing muna sa personal na post ni Dingdong sa kanyang Facebook account, posted last September 25, 2018.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Finally, itinanggi na ni Dingdong ang mga espekulasyong tatakbo siya sa pagka-senador sa 2019 elections. May nakapag-interview kasing press people kamakailan sa misis nitong si Marian Rivera, at na tila “kinumpirma” nito ang pagtakbo ng mister.

Pero sabi nga nila, iba kapag ang mismong taong involved sa isyu ang mabibigay ng confirmation o denial.

Ayon kay Dingdong, matagal niyang pinag-isipan ang desisyon niyang ito, hanggang sa nakakuha siya ng “sign” mula sa Diyos -- ang kasagutan sa kanyang mga tanong: Hindi siya tatakbo, dahil kumpirmadong buntis si Marian, at mas nais niyang alagaan ang asawa at kanyang pamilya.

Umani ng papuri mula sa netizens ang naging pahayag na ito ni Dong -- na unahing alagaan ang kanyang pamilya, lalo na ang pagtuon ng aktor sa pag-aalaga sa ikalawang pagdadalantao ni Marian, tulad noong una nitong ipinagbunti ang panganay nilang si Zia.

Larawan ng masayang pamilya sina Dong, Marian, at Zia sa naka-attach na photo sa nasabing FB post, kung saan naka-flash ang two fingers ng mag-asawa -- meaning “second baby” nila, at magiging “ate” na si Zia!

Narito ang kabuuan ng mahabang post ni Dingdong:

“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

“Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan.

“Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya. “My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family.

“My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others. “Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta.

“Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala.

“Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.“And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy,” mahabang post ni Dingdong.

Isang malugod na pagbati sa inyong ikalawang baby, Dong and Marian!

-MELL T. NAVARRO