Sinabi ng Malacañang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa kanyang napakaabalang schedule at ang kanyang mga pagpapakonsulta ay bahagi lamang ng routine para matiyak na malusog ang Pangulo.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos banggitin ni Duterte nitong Biyernes ng gabi na sumailalim siya sa endoscopy at colonoscopy.

“I think that’s routine. Sinabi naman ng Presidente na talagang nagpapaganyan siyang test regularly. So routine naman po iyan. Nothing extraordinary,” ani Roque sa kanyang press briefing kahapon.

“All medical condition is otherwise confidential. The fact that he’s willing to share it means it’s no reason for alarm,” dugtong niya.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Sinabi ri ni Roque na walang bagong findings mula sa mga check-up ni Duterte.

“Wala pong bago. Routine po iyan just to find out kung merong bago,” aniya.

Ipinunto ng opisyal ng Palasyo na ang schedule ni Duterte ang magpapatunay

na walang masama sa kalusugan ng Pangulo.

“Nakita niyo naman ang schedule ng Presidente. Ako nga po hindi makasunod sa schedule niya. Karamihan sa inyo hindi rin makasunod sa schedule niya,” aniya.

“So tingin ko, ‘yung kanyang hectic schedule ay patunay na wala siyang matinding karamdaman,” idinagdag niya.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS