TINAKALAY ng Black Eyed Peas ang gun violence sa mga paaralan at immigration sa dalawang bagong music video ng kanilang kantang Big Love.

(Photo by Joel C Ryan/Invision/AP, File)

(Photo by Joel C Ryan/Invision/AP, File)

Inilabas ng trio — hindi pa malinaw kung bahagi pa rin ng grupo si Fergie— ang mga video nitong Biyernes. Inanunsiyo rin nila na ang kikitain ng kanta ay mapupunta sa Our Lives organization na pinangungunahan ng mga estudyante, na nananawagan ng mas istriktong batas hinggil sa pag-aari ng baril, at sa Families Belong Together, na isa namang protesta laban sa polisiya ng Trump administration na paghihiwalay ng mga batang anak sa kanilang pamilya, makaraang makulong dahil sa pagtira sa Amerika nang ilegal.

SA video na patungkol sa gun violence sa mga paaralan, ipinakita na ang mga BEP member na sina will.i.am at Taboo — na gumaganap na isang guro at gym coach — ay nabaril ng gunman gayundin ang ilang mga estudyante, habang ang iba ay nagkagulo at tumakbo palayo sa barilan. Si Apl.de.ap ang pulis sa clip.

Baka siya pa mapasama: Mon Confiado, iniurong kaso laban sa content creator

Binigyang-pansin naman sa ikalawang video ang pagpigil ng mga border portal officers sa mga immigrant na tumawid sa U.S. border.

Lalabas ang Big Love, na nakakapagpaalala ng 2013 hit ng Black Eyed Peas na Where Is the Love, bagong album ng banda, ang Masters of the Sun. Ito ay ire-release sa Oktubre 12. Ito ang kanilang unang album mula ang i-release noong 2010 ang The Beginning.

Kabilang sa hits ng Grammy-winning group ang Boom Boom Pow, My Humps at I Gotta Feeling. ilulunsad nila ang kanilang The Masters of the Sun Tour sa Oktubre 27 sa London at magtatapos sa Nobyembre 18 sa Dusseldorf, Germany.

Hindi pa nagre-record si Fergie, na nag-release ng solo album nitong nakaraang taon, kasama ang grupo. Hindi pa rin nalilinaw ng mga kinatawan ng singer at ng Black Eyed Peas ang kanyang role sa grupo nang tanungin ng The Associated Press.

-Associated Press