“UNTIL you try, you will never know,” ito ang tumatak sa amin na sinabi ni Erik Santos sa nakaraang Erik 15 Years My Greatest Moments concert na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Sabado.

Erik copy

Sa loob ng 15 years ni Erik sa industriya ay nagbalik-tanaw siya kung paano niya narating ang kinalalagyan niya ngayon. Apat na taon pa palang ay nadiskubre na ng nanay niya na mahilig siyang kumanta dahil lagi siyang nahuhuling tumutuntong sa lamesa at ginagawang mikropono ang pandesal na agahan nila.

Kaagad siyang isinali ng nanay niya sa singing contest sa lugar nila sa Malabon, pero hindi pinalad na manalo at abonado pa ang nanay niya sa pamasahe at sinuot niyang damit.

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

“Lagi akong talunan sa mga contest, marami akong natikmang rejections,” ito ang pagtatapat ni Erik pagkatapos niyang kantahin ang opening number niyang This Is The Moment at I Believe I Can Fly (kasama ang TNT Kids grand winner 2017 na si Jhon Clyd Talili).

Sa edad na siyam ay pumangatlong puwesto si Erik sa pa-contest sa barangay at nanalo siya ng 500 pesos at tropeo, “ito ang kauna-unahan kong trophy na mabuti ay naitago ko nu’ng bumaha sa amin sa Malabon,” aniya.

Kaya lang sa bandang huli ay nalaman niya na ang organizer ng nasabing contest ay kaanak nila kaya hindi niya malaman kung totoong nanalo siya o naawa sa kanya.

Nangyaring nagbakasyon ang tatay niyang 25 years na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Jeddah sa bansa at nalaman nitong sasali siya sa singing contest. Dahil dito ay hiniling niya sa anak na ang kantahin ay I’ll Be There ni Michael Jackson, na talagang inaral niya sa loob n g dalawang araw para pagbigyan ang ama na unang beses sana siyang mapapanood.

“At pa-bibo rin ang tatay ko kaya nagdala pa ng mga kaibigan niya at iniyayabang na kakanta ang anak niya, e, sa kalagitnaan ng kanta, nalimutan ko ‘yung linya (lyrics) kaya hiyang-hiya ako sa tatay ko kasi unang beses niya akong napanood. Sobrang na-trauma talaga ako, ilang taon din akong hindi kumanta,” pagtatapat ng binatang singer.

Nagpasya na raw si Erik na hindi na sasali sa mga singing contest dahil sa hiya hanggang sa maisipan niyang sumali sa church choir.

“Naisip ko kapag nagkamali ako, may sasalo, kaya sa choir na lang. Tapos may nag-offer na maging wedding singer. Kaya kumanta naman ako, (kinanta niya ang You and I) tapos ang bayad sa akin, P150 pesos na halos buong ceremony sa simbahan ako na ang kumanta.

“Pero ngayon, one hundred fifty pa rin naman ang bayad sa akin, one hundred fifty thousand pesos na per song or more, ha, ha, ha, joke lang,” tumawang kuwento ni Erik.

“Hanggang sa bumalik na ang confidence ko sa sarili at nag-audition na ako sa mga TCV shows, casting sa commercials, nag-extra sa pelikula, pero hindi pala ganu’n lang, na-reject na naman ako.

“May nag-imbita sa akin sa boyband kaya sinubukan ko (sabay kanta ng awitin ng No Matter What ng Boyzone). One-year din namang nagtagal ‘yung boyband. Akala ko start na nang pagsikat ko, pero nawala rin,” tuluy-tuloy na balik-tanaw ni Erik.

Pero may ibig sabihin pala ang lahat ng rejections ni Erik dahil ito ay paghahanda lang para sa mas magandang puwestong kinalalagyan niya ngayon.

“Si Lord ano rin, eh, ibabalik ka talaga sa dapat. Para makamit mo ang greatest moments sa buhay, akala n’yo madali, hindi dahil sa hirap na pinagdaaanan ko. Ang biggest competition of my life was when I joined the ‘Star In A Million’ contest,” kuwento ni Erik.

Sabay namang labas ni Christian Bautista na bestfriend ni Erik kasama ang iba pang ka-batch nila sa Star In A Million 2003 na sina DK Tijam, Johann Escanian, Czarina Rosales, Teresa Garcia, Michell San Miguel. Kinanta nila ang soundtrack ng pelikulang The Greatest Showman, ang A Million Dreams.

Naging wildcard muna si Erik bago siya tinanghal na grand winner, “tinawagan ako ng taga-ASAP kung papayag akong maging wild card, umayaw na ako, pero ang magulang ko ang nag-push sa akin na sumali na ako, okay lang na hindi ako manalo basta ang mahalaga, mapanood nila ako sa TV.”

Naging tuluy-tuloy na ang pag-angat ng pangalan ni Erik sa musika at hindi siya pinakawalan ng programang ASAP dahil naging regular na siya roon hanggang ngayon ( 1 5 y e a r s ) , kaya naman todo ang pasasalamat niya sa show.

-REGGEE BONOAN