DAHIL sa pagkahilig sa pagko-compose ng awitin at pagkanta ay iniwan ni Sabu ang kanyang corporate life.
Lumaki sa musically-inclined family, malakas ang influence kay Sabu ng musika ni Yumi. Bilib din siya sa music skills ng international songwriter na si Jon Foreman.
Ang mga awitin ni Sabu, tulad ng newly-released na Pikit, ay hinango sa mga personal na karanasan, hindi lamang sa sarili, kundi ng kanyang mga kaibigan. Ang naiba ay hinugot ni Sabu mula sa old memories na hindi niya malimot.
Close to her heart ang Pikit, dahil resulta ito ng isang pakikipagrelasyon na hindi nagtagumpay.
Si Sabu ay dating miyembro ng banda, at hindi nawawala sa kanyang repertoire ang original song na Pikit.
-Remy Umerez