Pinagbabaon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahabang pasensiya ang mga motorista dahil sa inaasahang matinding trapikong idudulot ng road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila, ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes nang simulan ang pagkukumpini sa southbound C-5 Road, bago mag-Tiendesitas papuntang C-5 Ortigas flyover; C-5 Road (Gap 3) Chainage 52-Chainage 420 (1st lane); at EDSA, harapan ng Francesca Tower patungo at pagkatapos ng Scout Borromeo.

Bukod pa rito ang pagsasaayos sa northbound EDSA, katabi ng Trinoma Mall (6th lane buhat sa center island); panulukan ng A.H Lacson Avenue at Aragon Street, at kanto ng P. Florentino St.; Batasan Road bago ang Everlasting at harapan ng QCPU (2nd lane); at C-5 Road, bago MRT Avenue (3rd lane).

Bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing kalsada sa Lunes, Setyembre 24, dakong 5:00 ng umaga.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

-Bella Gamotea