Nakauwi na sa bansa kahapon ang 150 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Abu Dhabi na kumuha ng amnestiya mula sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE), ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa ulat ng DFA, dumating ang sinakyang Philippine Airlines flight PR 657 ng grupo ng OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City, dakong 8:40 ng umaga.

Sinabi ni Ambassador to UAE Hjayceelyn M. Quintana, na sa pagdating ng ikatlong batch ng OFW mula sa Abu Dhabi, umabot na sa kabuuang 988 ang repatriates na nag-avail ng UAE amnesty program.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

'Solid PBBM pa rin kami!' Plethora naghimutok, nakalimutang isama sa Marcos free concert?