SA limang tagline na Umasa, Nagdamot, Nagsinungaling, Nagpabaya at Nagsinungaling na ibinase sa librong isinulat ng hugot novelist na si Marcelo Santos III na Para Sa Broken Hearted, ay hindi itinanggi ni Louise De los Reyes na sobra siyang naka-relate sa unang tagline.
Marami ang nagulat kay Louise sa mediacon ng pelikula dahil nangilid ang luha niya habang ikinukuwento na naka-relate siya sa tagline na “umasa”, dahil naranasan niya pala ito.
“Ako ‘yung umasa. Parang lahat naman tayo ay matindi ‘yung faith sa karelasyon natin sa lahat ng bagay. So, siguro naka-relate ako sa umasa dahil umasa ako dun sa magiging okay siya, umasa na after magkapatawaran, maibabalik ulit kung ano ‘yung dati.
“So ‘yung pag-asa na ‘yun hindi naman talaga naging hoping pero minsan mare-realize natin na mas magandang umalis na lang tayo sa relationship kaysa paulit-ulit nating saktan ang sarili natin, at pagkatapos mada-damage natin ang puso natin at puso ng iba. So hindi siya win-win situation kaya mas okay na i-reserve mo ‘yung love and respect sa sarili mo.”
Narinig naming nagbulungan ang ilang katoto sa tabi namin na sino raw kina Enzo Pineda at Aljur Abrenica, na parehong ex-boyfriend ng aktres, ang pinatutungkulan niyang umasa siya.
Hmm, ang dalawang aktor ay pareho nang nasa ABS-CBN at kung tama ang alaala namin ay si Louise ang huling lumipat sa Kapamilya network.
Sadya kayang sumunod siya o nagkataon lang dahil maganda ang offer sa kanya ng Dreamscape Entertainment, dahil ang una niyang project ay FPJ’s Ang Probinsyano at Asintado? Kasama rin sa seryeng ito si Aljur as Xander.
Bagamat teary-eyed si Louise ay mukhang okay naman na siya dahil nagawa niyang i-share ito. So, ibig sabihin ay naka-move on na siya lalo’t natagpuan na niya ang non-showbiz guy na tinawag niyang, ‘Best Boyfriend.’
Sinilip namin ang Instagram ng dalaga na @louise.dr at nakita namin na may ipinost siyang larawan na kayakap niya ang naturang non-showbiz guy sa nakaraang 26th birthday niya.
Aniya, “I’m not really a fan of celebrating my birthday but last Saturday was an exception. To you My Love, thank you for helping me plan my Birthday Party. Totoo sinasabi nila, YOU ARE THE BEST BOYFRIEND!
“Thank you for your patience and understanding Love. Thank you for helping me make our DIY decors, from going to Divisoria to drawing and cutting decors. I finally found someone who is as DIY crazy as me! Thank you for making sure that everything is well executed. Thank you for the surprise! Super loved my Mac and Cheese Cake from @theflourgirl.
“Wala na akong ibang masabi kundi Thank you. I’m so lucky to have you in my life @jinob08. Life’s better with you. Again, Happiest Birthday to meee!!!”
As of now ay wala kaming alam na next TV project ni Louise dahil pagkatapos ng Asintado ay sa guestings na namin siya napapanood tulad ng Ipaglaban Mo, Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym.
Good thing nasama siya sa pelikulang Para Sa Broken Hearted kaya maski paano ay may exposure siya.
Tiningnan namin lahat ng shows videos ng aktres at mahusay naman siyang umarte at maganda rin siya sa screen kaya nakapagtataka kung bakit mailap ang offers sa kanya, gayung ang dami-daming artistang nabibigyan ng projects na kapag napanood mong umarte ay talagang mapapasigaw ka ng, ‘mag-workshop ka nga!’
Kaya naman natanong siya sa mediacon ng Para Sa Broken Hearted kung hindi ba siya nagsisi sa paglipat niya sa ABS-CBN dahil noong nasa GMA 7 siya ay kaliwa’t kanan ang TV projects niya.
“I couldn’t ask for more. Kasi, in reality, I had my time, and I think, for me, that’s enough. Kasi more than anything else, I just want kahit papa’no may respect sa iyo that you somehow gained respect from other people,” sagot ng dalaga.
“Ako kasi, as a person also, hindi ako masyadong ma-regret na tao. Every decision talaga, pinag-iisipan ko. And siguro, meron mang cons ‘yun, ‘yun ang bumuo kung ano ako ngayon.
“Yes. Marami akong actually small and big realizations after that, ‘yung transition na I’m not the lead anymore. I thought, after (kong lumipat) parang malulungkot ako o merong longing kahit papa’no.
“Hindi, e. Parang hindi niya ako dinala du’n. Parang mas dinala niya ako sa contentment. And I’m contented kung ano ‘yung nakuha ko at kung ano ‘yung meron ako ngayon.
“Parang hindi siya basta-basta nakakapaniwala, pero I feel so genuinely happy, deep inside na, I think, ‘yung less exposure ko in show business makes me happy.”
Maski walang projects si Louise ay abalang-abala pa rin siya dahil pinagtutuunan niya ang Loudelosreyes.com blog niya.
Aniya, “I’ll be focusing more on my blog. Finally, this year, nag-decide na ako na talagang i-pursue siya. And also, since it’s very timely na everybody is doing it. I want to offer something more, it’s on YouTube.”
Samantala, mapapanood na ang Para Sa Broken Hearted sa Oktubre 3 at kasama ni Louise sina Marco Gumabao, Sam Concepcion, Shy Carlos at Yassi Pressman mula sa Viva at Sari-Sari Films sa direksyon ni Digo Ricio
-REGGEE BONOAN