MAPALAD ang aktor na si Ejay Falcon dahil makakasama siya sa isang Korean drama, ang Where Stars Land, na ipalalabas na sa Oktubre sa sikat na Korean channel na SBS.

Ejay at Lee Je Hoon copy

Kasalukuyang nasa South Korea ang aktor para sa taping ng nabanggit na Korean program.

Sa kanyang Instagram, Ejay shared photos of himself in front of the TV network and with the main actors of the drama na sina Lee Je Hoon (Signal, Tomorrow With You) at Chae Soo Bin (I Am Not A Robot, Strongest Delivery Man). Ibinahagi rin ng Star Magic head na si Ms Thess Gubi ang ilang photos of Ejay working on the set of the show and bonding with fellow Filipino cast members, gaya ni Lauren Young.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Opportunity unlocked!”caption ni Ejay sa isa sa kanyang mga social media post.

Magandang regalo ito para kay Ejay, who’s celebrating his 10th year in showbusiness this year. Unang nakilala ang aktor bilang isa sa mga housemates sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Second Teen Edition at siya ang naging Big Winner noong 2008.

Huling napanood si Ejay sa katatapos na teleseryeng The Blood Sisters opposite Erich Gonzales.

-ADOR V. SALUTA