Nadakip na ng mga tauhan ng Station Intelligence Branch (SIB) ng Valenzuela City Police ang isang lalaki, na mahigit isang taon umanong hinalay ang apo ng kanyang biyenan, makaraang matunton sa kanyang pinagtataguan sa Bulacan, nitong Linggo ng hapon.

Sa isinumiteng report ni Chief Insp. Jessie Misal, hepe ng SIB, kay Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang naaresto na si Reggienald Mabanglo, 42, ng Barangay Paso De Blas, Valenzuela City.

Sa rekord ng SIB, ikalawang most wanted sa Valenzuela ang suspek matapos na paulit-ulit nitong halayin ang menor de edad na apo ng kanyang mga biyenan simula noong Nobyembre 2016 hanggang 2017.

Nang magkaroon ng lakas ng loob ang dalagita ay nagsumbong ito sa lolo at lola, kaya kinasuhan si Mabanglo ng anim na bilang ng rape.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang malamang idinemanda siya ng kanyang mga biyenan ay nagtago na ang suspek at nagpalipat-lipat ng tirahan.

Bandang 5:30 ng hapon nitong Linggo nang may nakuhang iimpormasyon ang grupo ni Major Misal na nasa Bgy. Turo sa Bocaue ang suspek kaya inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest mula sa Valenzuela City Regional Trial Court Branch 172.

Walang inirekomenda piyansa ang korte para sa suspek.

-Orly L. Barcala