KUNG may pinatunayan man ang 2018 ToFarm Film Festival, ito’y ang pagkakaroon ng mina ng ginto ng Philippine literature na hindi lamang pinapahalagahan ng mainstream movie production outfits.
Hinalaw sa short story ni Sinai Hamada (1911- 1991) ang Tanabata’s Wife na humakot ng major awards sa gabi ng parangal ng advocacy film fest nitong nakaraang Sabado sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel. Iniuwi ng Tanabata´s Wife ang Best Picture trophy at hinirang sina Charlson Ong, Lito Casaje at Choy Padilla bilang Best Directors.
Poignant na love story ng Japanese migrant farmer at katutubong dilag sa Cordillera ang Tanabata’s Wife na nag-uwi rin ng cash prize na P500,000.
Ang protagonists nito na sina Miyuki Kamimura at Mai Fanglayan ang nanalong Best Actor at Best Actress.
Sina Charlson Ong at Lito Casaje rin, kasama sina Mao Talas at Juan Carlo Tarobal, ang tumanggap ng parangal sa pagsusulat ng pinakamahusay na screenplay.
Ang kanilang director of photography na si Nap Jamir ang pinagkalooban ng Best Cinematography award at Best Editor naman si May-i Padilla. Si Martin Masadao naman ang nag-uwi ng Best Production Designer award.
Pinarangalan naman ang 1957 ni Hubert Tibi bilang Second Best Picture award na may cash prize na P400,000. Third Best Picture ang Alimuom ni Keith Sicat na may cash prize na P300,000. Tumanggap naman ng Audience Choice award ang Sol Searching ni Roman Perez Jr.
Si Richard Quan ang pinarangalan bilang Best Supporting Actor para sa 1957 at tie naman bilang Best Supporting Actress si Bayang Barrios para sa Kauyagan at Gilleth Sandico para sa Sol Searching.
Naririto ang iba pang pinarangalan sa 3rd ToFarm Film Festival na patuloy pa ring napapanood sa mga sinehan:
B e s t S t o r y - H ub e r t T i b i (1 9 5 7 ) Best Sound - Immanuel Verona (Mga Anak ng Kamote) B e s t S h o r t F i l m - P a n g i n o o n g M a y L u p a S e c o n d S h o r t F i l m - K a l u g u r a n D a K a , Ma Third Best Short Film - Tahanan ng Isang Magsasaka Aning Ginto Award - Sikap
-DINDO M. BALARES