SUPER successful ang unang Miss Millennial beauty contest ng Eat Bulaga na pinanalunan ng AB Psychology student na si Julia Gonowon ng Iriga City, Camarines Sur noong nakaraang taon. Unique ang naturang beauty competition dahil hindi lang magagandang kadalagahan ang ipinapakita sa noontime show ng GMA-7 at maging sa lahat ng kanilang online platforms, kundi pati na ang ipinagmamalaki at pinakamagandang tourist destinations at pinakamasasarap na pagkain sa kanya-kanyang lugar.
“Last year’s journey was really an eye opening one for all of us,” pahayag ni Jenne Ferre, ang SVP for Creatives and Operations ng Eat Bulaga. “Personally, mahilig ako mag-travel and no’ng nagsimula na ‘yung pageant, na-guilty ako na ‘di ko pa napupuntahan ‘yung ibang mga magagandang lugar na nai-feature sa telebisyon. Gugustuhin mo talagang dumalaw at tikman ‘yung mga nagsasarapan nilang mga pagkain. Gusto namin na ulitin ‘yun, na mag-spark ng same curiosity sa audience.”
May task ang Miss Millennial contestants na magprodyus ng eye-catching videos tampok ang kanilang bayan o probinsiya. Ipapalabas ito araw-araw sa Eat Bulaga at sa kanilang social media websites. “Essentially this is about tourism, but the heart of this pageant is the energy of the young people.
Gusto namin pagsamahin ang traditional media at ang online sa pag-highlight ng mga must-see places ng bansa. Nais naming gamitin sa positibong pamamaraan ang mga online platforms na ito para ipaalam at ipakita kung gaano kaganda ang Pilipinas.
At sino pa ba ang makakapag-represent ng mga lugar na ito kundi ang ating mga kandidata dahil sila ang may firsthand experience sa culture and tradition ng kanilang lugar,” dugtong na sabi ni Jenne Ferre. Iminado ang EB exec na sa lahat ng segments ng Eat Bulaga, ang Miss Millennial Philippines ang pinakamahirap at pinakamalaki ang production cost. Pero kakaibang fulfilment ang dala ng contest at nais nilang pasiglahin ang sense of nationalism ng kanilang loyal viewers.
“We are trying to give the candidates and the viewers the best experience ever. This is the most expensive but the most worthy segment of Eat Bulaga and this is our way of returning the favor to the communities that supported us through years,” sabi pa niya.
Sa pagbabalik-telebisyon ang Miss Millennial ngayong taon, naririto ang 40 dilag na itatampok mula sa buong kapuluan.Sharmaine Dela Cruz (Zamboanga), Mae Angela Miguel (Zambales), Maria Isabel Alves (Parañaque), Marela Glospeah Caro Juaman (South Cotabato), Ina Louise Abello (Palawan), Jaila Ragindin (Bataan), Kate Maureen Sunga (Guimaras), Denice Fritz Daligcon (Apayao), Danna Rose Socaoco (Misamis Oriental), Ellen May Otalla (Rizal), Verna Ricaella Franco (Tarlac), Kiezel Mellado (Sarangani), Trisha Aceret (Ilocos Norte), Shaira Marie Rona (Mandaluyong City) at Ma. Gienel Caling from Nueva Ecija. Marissa Ruado (Masbate), Daphne Kyara Marie Algrame (Negros Oriental), Jennifer Lemaitre (Laguna), Jewel Palacat (Ilocos Sur), Shaila Rebortera (Cebu), Merrielle Sarmiento (Oriental Mindoro), Femush Lyssa Maynes (Nueva Vizcaya), Elaiza Monica Mascarinas (Compostela Valley), Eloiza Canlas (Pampanga), Lesly Joy Sim (Quezon Province), Alyssa Angelica Dacuno (Samar), Trissia Aldave (Camarines Sur), Ivory Felix Calampinay (Malabon), Elisha Libres (Davao del Sur), Joanna Kalkschmidt (Capiz), Zane Anne Deza Parel (Isabela), Lady Justerinnie Santos (Bulacan).Sa unang pagkakataon pa lamang sasali sa competition ang Batanes (Ma. Ellena Velasco), Aurora (Verny Abby Zabat), Bukidnon (Sunshine Gumbao), Abra (Chanel Mistyca Corpuz), Siquijor (Neriz Lantaca), Agusan del Sur (Judie Anne Castro), Iloilo (Demi Patria Jainga) at Jolo, Sulu (Nur Shaira).
Ang tatanghaling grand winner, batay sa pinakamaraming text at online votes, ay tatanggap ng gantimpalang house and lot mula sa Camella Homes, brand new Montero Sport, at P500,000.Ang “Miss Bayanihan Queen” ay tatanghalin batay nagawang pinakamagandang tourism campaign para sa kanyang probinsya na mabibigyan ng P1 million bilang pangtustos ng local tourism project.
“Ito ay isang daan para ma-discover at makita natin ang iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ang vision ng Eat Bulaga na sa pagtatapos ng competition, nanaisin ng mga Dabarkads na personal na makita at ma-experience ang ganda ng Pilipinas,” sabi ni Ms. Ferre.
-DINDO M. BALARES