ITINANGHAL na kampeon ang Fil-Am dancer na si Hannahlei Cabanilla, 18, sa American dance competition na So You Think You Can Dance Season 15, nitong Lunes.

Hannahlei copy

Matapos ang ilang linggo ng nakakapagod na auditions at dazzling performances, sa huli ay nakamit ni Hannahlei, na tubong Anaheim Hills, California, ang pinakamataas na parangal ng kompetisyon.

Pumangalawa sa kanya si Jensen Arnold, ang 20 taong gulang na Latin ballroom specialist, na mula sa Provo, Utah.

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

Nakuha naman ni Genessy Castillo, ang 18 taong gulang na contemporary dancer, na tubong Jamaica, N.Y., ang ikatlong puwesto, samantalang ang ikaapat na puwesto ay nasungkit ni Slavik Pustovoytov, 19, isang hip-hop specialist mula sa Poltova, Ukraine.

Nagsimulang magsayaw si Hannahlei, na isinilang at lumaki sa Southern California, nang dalawang taong gulang pa lamang siya at nag-training sa Orange County Performing Arts Academy.

“This is, without a doubt, the best experience of my life,” sabi ni Hannahlei nang makapanayam ng mga mamamahayag. “I am beyond thankful for every moment I’ve had on (the show), and I know that it is something I will never forget. I’m happy to say that this experience is just the beginning.”

Umpisa pa lang ay ikinonsidera nang isa sa mga front-runners si Hannahlei, at lagi rin siyang nakakatanggap ng papuri mula sa mga hurado. Sa katunayan, never siyang napabilang sa listahan ng mga dancer na nanganib na matanggal sa kompetisyon linggo-linggo.

Nakatanggap si Hannahlei ng $250,000 cash bilang premyo, at mabibigyan din siya ng pagkakataong maging cover ng Dance Spirit magazine at maging guest role sa live adaptation ng Rent sa Fox sa 2019.