NAPABILANG ang litrato ni Dingdong Dantes sa isinapublikong possible opposition candidates for 2019 senatorial elections, na ang listahan, ayon sa media reports, ay nagmula mismo sa oposisyon.

Dingdong copy

Sa 18 possible candidates, bukod kay Dingdong ay galing din sa showbiz sina Jim Paredes, Agot Isidro at Leah Navarro.

All in all, lima ang taga-showbiz sa nasabing senatorial slate, at nab-bash na ngayon ang nasabing mga celebrities, lalo na si Dingdong. Ang sabi ng mga netizen, kung papasok man sa pulitika ang Kapuso actor ay dapat na nagsimula muna siya sa baba. Kahit daw, vice mayor o mayor muna, bago nito gustuhing manungkulan sa Senado.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Sa lagay na ‘yan, wala pa ngang in-announce si Dingdong, naba-bash na pati ang ibang taga-showbiz dahil wala raw mga alam. Bakit hindi na lang natin hintaying mag-announce si Dingdong, o mag-file ng candidacy sa October bago i-bash?

Kasama rin sa nasabing line-up ng posibleng senatorial candidates ng oposisyon sina incumbent Sen. Bam Aquino, dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Edwin Lacierda, Dinky Soliman, dating Chief Justice Hilario Davide Jr., Magdalo Rep. Gary Alejano, at dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na dati ring senador.

Speaking of Dingdong, nagsimula na siyang mag-taping ng Cain at Abel ng GMA-7, kasama si Dennis Trillo. Nagsimula na rin daw siyang mag-shooting ng MMFF entry ng Star Cinema na Fantastica: The Princess, the Prince and The Perya na pinagbibidahan ni Vice Ganda, at kasama rin nila si Richard Gutierrez.

Samantala, pangungunahan ng mag-asawang Dingdong at Marian Rivera ang The Color Run Hero Tour sa November 11. Bukas na ang registration sa mga gustong sumali.

-NITZ MIRALLES