SA nakaraang tsikahan with Vina Morales ay natanong siya kung sa palagay ba niya ay totoong may relasyon na sina JM De Guzman at Barbie Imperial, na kasama niya sa seryeng Araw Gabi.

JM at Vina

Ang ganda ng ngiti ni Vina: “Hindi ko alam.”

Inisip naming baka may alam ang aktres at ayaw lang niyang ikuwento kung ano ang nakikita niya sa set ng Araw Gabi.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ay hindi ko talaga alam, wala talaga,” diin ni Vina.

Hind ba siya nagtanong?

“Nahiya ako, eh. Si JM kasi very sweet ‘yan sa lahat ng co-actors niya, sweet siya. So, hindi ko alam kung sila ni Barbie. Hindi ko alam, ha,” natatawang sagot ng aktres.

“Nahuhuli ba ako sa balita? Hindi ko talaga alam. Kung sila, ‘di mas okay, ‘di ba?”

Bilib si Vina kay JM dahil kahit na ilang beses nang nawala sa telebisyon ang aktor dahil sa mga pinagdaanang personal na problema ay deserved pa rin itong makabalik sa showbiz.

“Ay, magaling (si JM). Kaya nabigyan ng maraming chance kasi magaling siya at saka mabait,” sabi ni Vina.

Ano naman ang impresyon niya kay Barbie?

“We never had a problem with her. Wala naman kaming problema. Sa nakikita naman namin, hindi naman siya pa-diva, I think na-in love lang siya,” nakangiting sabi ni Vina.

Sa edad na 42 ay nananatiling single si Vina. Inamin naman niya na sobrang nag-iingat siya dahil ayaw niyang magkamali sa lalaking gusto niyang makasama sa buhay.

“May gustong ipa-date sa akin ang mga kaibigan ko. Pero recently, paano naman ako magde-date, e, puyat-puyat.”

Sa palagay ba niya ay may forever sa online dating?“Oo naman. Kasi I have friends, nag-meet sila online. Ang daming nagkakatuluyan, actually. I have two friends or three, ‘tapos yung isa magpapakasal pa lang.”

Samantala, kahit wala pang tulog si Vina nang makausap namin sa pocket interview na ginanap sa Ystilo Salon Shoppesville, Greenhills ay gandang-ganda pa rin ang lahat ng makakita.

“Idinaan lang sa make-up, ha, ha, ha,” tugon sa amin.

Umabot na sa dalawang dekada ang Ystilo Salon ng magkakapatid na Vina, Sheila, Sheryl, at Shaina Magdayao kaya naman nagpapasalamat sila sa lahat ng tumangkilik sa kanilang salon.

At bilang pasasalamat ay may inihandang promo discounts ang Ystilo Salon sa 18 branches nila nationwide, mula sa hair coloring at rebond 30% for standard and premium services (Sept 8-Oct 30); hair color & rebond standard services 50% (Sept 18, 19, at 20); at hair treatment 20% (Sept 8-Nov 30).

May Ystilo salons sa Mall of Asia; Shoppesville Greenhills; SM City San Lazaro; Festival Mall; Nepo Mall sa Dagupan City; Tanauan City, Batangas; SM City Tarlac; SM City Calamba; Robinson’s Place; Lipa City; Abreeza Mall Davao; Iba, Zambales; Angeles Pampanga; SM City Sta. Rosa; Limketkai sa Cagayan de Oro City; One Magnolia Place sa Balanga, Bataan; SM City GenSan; Waltermart sa San Fernando, Pampanga; Citymall sa Koronadal; One Legazpi Place sa Tuguegarao; Island Citymall sa Bohol; at Manaoag, Pangasinan. Magbubukas din sila sa Sta. Lucia, Cainta, at sa Marquee Mall, Dagupan City.

-Reggee Bonoan