DAMAY na ang mga kapatid nina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa isyu ng ex-couple dahil ang kani-kanyang mga kapatid na ang nagsagutan sa social media. Ang tinutukoy namin ay ang kapatid ni Sunshine na si Maria Cruz at kapatid ni Cesar na si Maria Mercedes.

Sunshine

Ang pinagmulan ng muling pagsabog ng isyu ay nang mag-post si Sunshine na hindi umano nagbibigay ng suporta ni Cesar sa tatlo nilang anak. Sumagot dito ang kapatid ni Cesar nang i-post niya ang mga resibo at tseke na patunay umano sa pagbibigay ni Cesar ng financial support sa mga anak nila ni Sunshine.

Pansamantalang tumigil sa pagpo-post si Sunshine tungkol sa isyu ngunit ang kapatid naman niya ang bumuwelta. Bilang ganti, inilabas ng kapatid ni Sunshine ang mga lumang text message sa kanya ng sister ni Cesar na tiyak ay sasagot.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Mahaba pa ang isyung ito kaya mag-abang lang tayo.

-NITZ MIRALLES