Ibinasura kahapon ng House Committee on Justice ang reklamong impeachment laban kina Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo De Castro at anim na iba pang mahistrado dahil ang kaso ay “insufficient in substance”.

Sa botong 23-0, ibinasura ng House panel, na pinamumunuan ni Mindoro Oriental Rep. Doy Leachon, ang nasabing mosyon.

Kaagad namang sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa tatlong nagsampa ng reklamo, na maghahain sila ng motion for reconsideration kaugnay ng nasabing desisyon makalipas ang 10 araw.

Gayunman, sinabi ni Leachon na pagbobotohan ng House panel sa Setyembre 18 ang committee report sa pagbasura sa impeachment complaint, kaya imposible nang tanggapin pa ang mosyon.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Tiniyak naman ni Leachon na ikakabit sa report ang ihahaing motion for reconsideration.

Kamakailan, tinukoy ng may 55 miyembrong justice committee na “sufficient in form” o may basehan ang nasabing reklamo, na inihain kaugnay ng pagpapatalsik ng pitong mahistrado kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.

-Ben R. Rosario