“CONFIRMED tatakbo si Dong! Sa #Happiest5k,” post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram. “Aba syempre ako din, kaya sign up now at www.runrio.co Who’s gonna run with us? #TheColorRunPh.”

Ang tinutukoy pala ni Marian na pagtakbo ng asawang si Dingdong Dantes ay sa #TheColorRunPhilippines na may te,ang The Color Run Hero Tour na magaganap sa November 11, 2018, bilang suporta sa “I Am Super Campaign”.

“Calling all Color Runners! Time to gear up again for the #Happiest5k on the planet #TCRHero2018 #runners #runrio #pinoyrunners #herotour#runforbenefit #gma7 #GMA #kapuso #iamsuper #YesPinoy #registernow,” sabi pa ni Marian.

Maraming fans ang sumagot agad sa panawagan ni Marian. Comment ng isang fan, “Ah ito pala yung sinasabi mo na tatakbo si Dong!”. Sinagot ito ni Marian ng, “mismo!”.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Naki-comment na rin si @boobay7, “takbo rin ako loves!!!”, gayundin ang @yespinoy, “kami din sa YesPinoy tatakbo! See you there po!”

Marami pa ang nagpakita ng suporta sa event.

Kung usapang pulitika, marami ang gustong sumuporta kay Dingdong dahil dahil alam daw nilang maraming natutulungan ang mag-asawa at karapatdapat lamang na tulungan din si Dingdong.

Hindi pa rin nagsasalita si Dingdong kung ano talaga ang balak niya, kahit si Marian ay hindi naman makapagsalita, hahayaan daw niya ang asawang magsalita kung ano talaga ang plano nito, at susuporta lamang siya.

Puwede rin kasing nag-iisip pa si Dingdong dahil nagsimula na silang mag-taping ni Dennis Trillo ng Cain at Abel, pero wala pa namang date of airing ang GMA 7. May nagsasabi namang baka raw sa party list tumakbo si Dingdong, pero ganoon pa rin, hindi siya puwedeng mapanood sa movie o TV series kapag campaign period na.

-NORA V. CALDERON