Magiging kasong kriminal ang pagtatapon ng basura o sewage sludge at industrial waste sa dagat.

Pinagtibay ng House Committee on Ecology sa ilalim ni Rep. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija) ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) na pag-iisahin ang panukala ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang mga panukala na naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran.

Ang pag-iisahing mga panukala ay ang House Bill 4374 ni Arroyo, HB 857 ni Deputy Speaker Linabelle Ruth Villarica, HB 6856 ni Rodriguez, at HB 773 ni dating Rep. Emmelina Aglipay-Villar.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser