Nagkanya-kanyang diskarte kahapon ang mga motorista sa pagpapa-full tank ng kanilang sasakyan bilang bahagi ng kanilang pagtitipid dahil sa panibagong oil price hike na ipinatupad ngayong Martes.
Sa abiso ng Flying V, nagtaas ito ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene, epektibo ngayong 6:00 ng umaga.
Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Setyembre 4 nang nagtaas ng P1.20 sa gasoline, at 95 sentimos sa diesel at kerosene.
Una nang nagbabala ang Department of Energy sa mga motorista na magiging sunud-sunod ang oil price hike sa bansa dahil sa paglaki ng demand nito sa pandaigdigang merkado, at bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
-Bella Gamotea