CONGRATULATIONS kay Alden Richards sa tagumpay na nakamit niya sa katatapos ng 2017 Star Awards for Music mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC). Out of nine nominations, tatlong parangal ang nakamit ng Pambansang Bae sa awards night na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila last Sunday, September 9.

Alden copy

Para sa kanyang album na Say It Again, from GMA Records, napagwagian ni Alden ang Album of the Year, Pop Album of the Year, at Male Pop Artist of the Year awards.

Gayunman, hindi nakadalo si Alden sa awards night, pero mabilis siyang nagpasalamat nang malaman mula sa GMA Records ang mga natanggap niyang awards, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Maraming salamat po PMPC,” saad sa post ni Alden.

Samantala, tuluy-tuloy ang taping ni Alden ng Victor Magtanggol, kasabay na rin ng mga rehearsals at VTRs niya para sa coming concert niyang Adrenalin Rush sa Kia Theatre on September 21.

Thankful si Alden nang pumayag na mag-guest sa concert niya sina Ms. Regine Velasquez-Alcasid at Ms. Ai Ai delas Alas, with Rodjun Cruz, Ex Battalion, One Up, and some more special guests.

Nagpasalamat din si Alden sa mga sumusubaybay sa kanyang action-drama-fantasy series at sa advertisers, dahil ilang gabi nang nagtatala ng more than 50 advertisements ang Victor Magtanggol, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON