MAY bagong pinagkakaabalahan ang isa sa Onanay lead stars na si Mikee Quintos. Nagsimula na kasi siyang mag-vlog kamakailan.

Mikee

Featured sa kanyang first vlog ang GMA Anniversary Party, kung saan nakasama niya si Alden Richards, ang mag-inang Kylie Padilla at Baby Alas, at iba pang Kapuso artists.

Ipinakita rin ni Mikee sa kanyang vlog kung paano siya nag-prepare para sa party, pati na rin ang iba pang exclusive behind-the-scenes footages mula sa event.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami naman ang nagtatanong kung kailan niya rin kaya makakasama sa kanyang vlog ang mga kasamahan niya sa GMA Primetime series na Onanay.

Pagkatapos kasi ng inabangang eksena nila ni Cherie Gil na nagtapon ng tubig sa kanya—tulad ng iconic scene nito sa Bituing Walang Ningning kasama si Sharon Cuneta decades ago—marami ang na-excite sa mga susunod pang mangyayari sa serye.

Kung kailan ito, ‘yan ang dapat tutukan ng mga manonood.

-MERCY LEJARDE