CERTIFIED GMA artist na si Rayver Cruz, dahil pumirma na siya ng three-year contract sa Kapuso network nitong Huwebes ng tanghali, kasama ang ilang executives ng network, at ang manager niyang si Albert Chua.

Sasabak na kaagad sa taping ng unang serye ni Rayver sa GMA, at makakasama niya sina Thea Tolentino at Kris Bernal, sa direksiyon ni Mark dela Cruz.

As of this writing ay Mag-asawa, Magkaribal ang narinig naming titulo ng unang serye ni Rayver sa Siyete. Hmmm, intriguing…

Kung tama ang dinig namin ay sa Oktubre na ang airing nito, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang GMA Artist Center ang mamamahala sa career ni Rayver, na siniguro nilang hindi mababakante dahil maraming nakapilang projects ang network para sa aktor.

At dahil mas malaki ang talent fee na offer kay Rayver sa GMA, nagkakabiruan daw na sisimulan na ng aktor ang mag-ipon.

Ganun? Noong nasa ABS-CBN ba si Rayver ay wala siyang naipon?

-Reggee Bonoan