NAG-SOLO presscon si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla para sa movie nilang magkakapatid na Tres, ang trilogy movie na naghudyat ng muling pagbabalik ng Imus Productions sa pagpu-produce ng mga pelikula sa mainstream.

Rhian at Jolo copy

First sa trilogy movie ang 72 Hours ni Jolo, at leading lady niya si Rhian Ramos. May special participation si Lovi Poe, at kasama rin sa movie sina Phillip Salvador at Tirso Cruz III, habang may special guest appearance ang mommy ng bise gobernador na si Bacoor Mayor Lani Mercado. Idinirehe ni Dondon Santos, partly involved daw si Jolo sa creative aspect ng movie.

“I am a PDEA officer dito, si Rhian naman ay isang police officer,” kuwento ni Jolo. “Mabait at mahusay umarte si Rhian. May special participation si Lovi, na isa ring pulis.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ibinunyag din ni Jolo na ang girlfriend pa niya noon na si Jodi Sta. Maria ang una niyang kinukuha bilang leading lady sa Tres.

“Actually, siya ang first na in-offer-an namin. Kaya lang hindi siya available, very busy siya. Kaya si Rhian ang napili naming,” sabi ni Jolo.

“Kissing scene namin ni Rhian? Iyon ang dapat ninyong abangan,” natatawang dagdag pa niya.

May mga press na nangulit kay Jolo tungkol sa break up nila ni Jodi, at kung wala na raw bang chance na magkabalikan sila?

“I have the highest respect for Jodi, kaya ibalato na lamang ninyo siya sa akin ang tanong ninyo,” ani Jolo.

Bida sa dalawa pang episode ng trilogy movie ang mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi. First movie ito ni Luigi, na nakagawa na ng ilang teleserye sa GMA network.

Co-producer din ng Imus Productions ang Star Cinema, at sa October 3 na ang showing ng Tres in cinemas nationwide. Sa nasabing araw din magpa-file ng certificate of candidacy si Jolo para sa third term niya bilang vice governor ng Cavite.

-Nora V. Calderon