NAG-CELEBRATE ng kanyang 33rd birthday si Carlo Aquino last September 3, at kinilig ang kanyang fans nang mag-post sa kanyang Instagram si Angelica Panganiban, his former girlfriend at favorite love-team.

Angelica at Carlo

Post ni Angelica: “Sa ‘yo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan @jose_liwanag.”

Mabilis naman itong sinagot ni Carlo (@jose_liwanag): “Ano ba kasing alam ko sa pagmamahal?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung maraming comments ang post ni Angelica, marami ring nag-like sa sagot naman ni Carlo. Kaya naman nagsibati na rin ang mga showbiz friends nila like Glaiza de Castro, Ryza Cenon, at Angeline Quinto.

May matching photo ang greetings ni Angelica kaya naman maraming nag-comment.

Reaksiyon ng netizen na si @jv_1684: “Pure love is meant to be celebrated! If this is for real, I wish you both nothing but genuine happiness that will last a lifetime.”

Sabi ni @marlettelaurel.posadas: “Feeling ko lang talaga natatakot tong 2 to na magbalikan. May napakaganda silang friendship at nakakatakot ‘yun mawala. Take your time guys. ‘Wag kayo ma-pressure sa mga tulad naming umaasa na sana kayo na lang ulit. Because you both deserve to be happy.”

Comment ni @gypsydiaries: “INTENSE! Magpapamisa ako para sa inyong dalawa! This is really is it!”

Sey ni @vhanzion28: “It is easier to fall in love again on d same person hu taught u how to love & hurt u in d process but at d end of d day u will realize he will always be da 1 4 u... I hope dis was not scripted... ur not getting any younger. Let love find 8s way...”

Parehong loveless ngayon sina Angelica at Carlo. Wala nang nabalitang bagong boyfriend si Angelica, at ganoon din si Carlo matapos makipaghiwalay ang huli sa kanyang last girlfriend.

Minsan nga nakita namin si Carlo sa isang mall at biniro namin siya kung nagbalikan na ba sila ni Angelica, at matamis na ngiti lang ang isinagot niya.

Kaya ang mga fans nilang dalawa, ang wish ay magkaroon na muli ng real life romantic involvement ang dalawa, at dasal nilang mauwi ito sa simbahan, at hindi lang love team sa movie.

May tinatapos na movie sina Angelica at Carlo, ang Exes Baggage, na idinidirek ni Dan Villegas at showing na this September.

-NORA V. CALDERON