Isang tricycle driver ang arestado matapos na mahulihan ng aabot sa P1.5-milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Lunes ng gabi.
Kakasuhan ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) si Sigair Mamarinta, 20, tricycle driver, ng Center Golden Mosque, sa Quiapo, Manila.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sta. Mesa Police Station 8, dakong 6:00 ng gabi nang magkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek sa Pureza Street, kanto ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa.
Nang magkaabutan ng umano’y kontrabando at buy-bust money ay kaagad nang dinakma ng mga awtoridad ang suspek at binitbit sa presinto.
Nakumpiska mula sa suspek ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 230 gramo at may estimated street value na P1.5 milyon.
-Mary Ann Santiago