Isang bloated na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Port Area, Tondo, Maynila nitong Linggo, ayon sa awtoridad.

Ayon kay Port Police Aldwin Concepcion, nadiskubre ang bangkay sa Berthing 3 ng crew ng Moreta Cargo-1 ship sa Pier 16, Port Area sa Tondo, Maynila, bandang 5:10 ng hapon.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-50, 5’8” hanggang 5’9” ang taas, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt at berdeng short pants.

Samantala, sinabi ni Manila Police District (MPD) Homicide chief Senior Insp .Rommel Anicete na ang bangkay ay inanod ng alon malapit sa Port Area.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Idinagdag ni Anicete na walang nakitang sugat sa bangkay ng lalaki.

Ayon kay SPO3 Jonathan Bautista ng MPD Homicide Section, nagsagawa na sila ng imbestigasyon sa lugar ngunit walang nakakakilala sa biktima.

-Erma R. Edera