BERLIN (AFP) – Nangako ang isang international donor conference sa Berlin ng 2.17 billion euros ($2.52B) nitong Lunes para tulungan ang mga bansa sa paligid ng Lake Chad na labanan ang Boko Haram.

Sinabi ng German foreign ministry na ipamamahagi ang tulong ‘’in the coming years’’ sa Nigeria, Chad, Niger, at Cameroon, kung saan madalas maglunsad ng suicide bomb attacks ang jihadist group mula sa mga base nito sa Lake Chad.

‘’This conference shows what it is possible to do when you work together,’’ sinabi ni German Foreign Minister Heiko Maas.

Bago ang pagupulong ngayong taon, sinabi ng tinatayang 10 non-governmental organisations na aktibo sa rehiyon, kabilang ang Norwegian Refugee Council, Save the Children, at Action Against Hunger, na 11 milyon katao ang agarang nangangailangan ng humanitarian aid.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'