GANADONG nagkuwento si Lolit Solis sa party ng first wedding anniversary nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na ginanap last weekend sa Switzerland kasama ang anak nilang si Scarlet Snow.“Ang Switzerland ang pinili ng Kho couple para ipagdiwang ang 1st wedding anniversary nila”, pagsisimula ng nag-iisang Lolit Solis ng Philippine showbiz world.

Lolit copy

“Ikinasal sina Vicki at Hayden sa Paris noong September 2 kaya na-feel ko na naman ang mabilis na pag-usad ng panahon.“Isang taon na pala ang nakalilipas mula nang dumalo kami ni Mama Salve (Asis) sa grand wedding of the year nina Vicki at Hayden na matagal na pinag-usapan ng mga Pinoy sa buong mundo.

“Ikinukumpara sa isang fairytale wedding ang pag-iisang dibdib nina Vicki at Hayden dahil talagang bonggang-bongga ang mga ganap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Memorable talaga ang pag-attend namin sa Paris wedding ng dalawa, kahit umalis agad kami sa reception na ginanap sa makasaysayan na Palais Garnier na mahirap i-book at talagang mga can afford lang ang puwedeng magdaos ng party sa nasabing lugar, noh!”

-MERCY LEJARDE