MALAKING factor sa panibagong tagumpay ng tambalang KathNiel ang pag-amin kamakailan ni Daniel Padilla na mahigit five years na ang relasyon nila ng kanyang reel at real life partner na si Kathryn Bernardo.

Daniel at Kathryn copy

Ito ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit humamig ng P35.9 milyon ang The Hows of Us sa first day nito noong Miyerkules.

Sa Tonight with Boy Abunda, ipinaliwanag ni Daniel kung bakit inamin na nila finally ni Kathryn ang kanilang five-year relationship.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Nakakapagod na ring gumawa ng alibi, ‘di ba? I think it’s the perfect time. Pero sana ‘yung sinabi ko [na] ‘yun, hayaan na natin. Huwag na nating kalkalin. Just give a little space,” pakiusap ng aktor.

Nangangarap din umano sila ni Kathryn para sa future nila.

“We daydream. Minsan nag-iisip kami sa future naming,” sabi ni Daniel, sinabing kabilang sa mga pinag-uusapan nila ang dream wedding at dream house nila.

Natanong din siya kung iiwan niya si Kathryn kung pagod na siya.

“Maraming beses na akong napagod, pero hindi ko siya iniwan,” sabi ni Daniel.

Kaya ang payo ng aktor sa mga nakakaramdam ng pagod sa isang relationship: “You have to make it exciting. You should do something na kayong dalawa lang. Kasi every time marami kaming kasama ni Kathyrn. And once kaming dalawa na lang, nagiging adventure siya. So mas lalo ko siyang naa-appreciate, mas lalo ko siyang nararamdaman.”

Inamin din niyang nagkaroon na sila ng “break from each other”.

“Mabilis lang, kasi hindi din namin kaya,” sabi ni Daniel.

Payo pa ni Daniel sa mga may karelasyon: “Kailangang umabot tayo sa point na kuntento na tayo, and you will be genuinely happy.”

-ADOR V. SALUTA