ALIW na aliw ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa panonood ng Miss Granny ng Viva Films.

Xian copy

“Sobrang galing ni Sarah (Geronimo) at kayang-kaya niya magboses matanda o bata without effort. One of a kind si Sarah dahil at thirty ay hindi siya tumatanda kaya mahal siya ng fans,” sabi ni Ogie sa kanyang OMG show kasama si MJ Felipe.

Nanghihinayang naman si Ogie sa role ni Xian Lim, dahil bilang movie producer, sa tingin ni Ogie ay kahit sino naman ay puweng gumanap sa role ni Xian.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing very entertaining ang Miss Granny, na sa unang limang araw ay kumita na ng P50 milyon.

Sa tagumpay na tinatamo ng Miss Granny, a certified blockbuster, ay tiyak na super proud at happy ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli, who is always by her side sa lungkot at tuwa.

Sa katunayan, nag-post pa nga si Matteo ng sarili niyang review sa Miss Granny, at siyempre pa, puring-puri niya ang kanyang girlfriend.

-REMY UMEREZ