BASTA trabaho, walang kapaguran si Alden Richards. Kaya naman nagwo-worry na ang mga fans niya na sana raw ay magpahinga naman siya kung may time.

Alden copy

Like last week, after ng magdamagang taping ng Victor Magtanggol ay nagkaroon pa siya ng show sa GenSan para sa isa niyang endorsement. Kinabukasan, pagbalik niya ay nag-taping siya muli ng kanyang action-drama-fantasy series, then promo ulit ng Victor Magtanggol sa MarQuee Mall sa Angeles, Pampanga.

Nagkaroon ng chance na makapahinga si Alden last Sunday, pero in the afternoon ay binisita naman niya ang St. Claire Monastery sa Cabuyao, Laguna for a social work.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Monday morning, binulaga ang social media nang nasa Cuyo, Palawan na si Alden, kasama si Super Tekla. Invited pala sila ni Cuyo Mayor Andrew Ong para sa Purongitan Festival 2018 ng munisipalidad.

Kinahapunan sa show, grabe ang dami ng taong nanood. Open space ang lugar kaya kita kung gaano talaga karami ang tao. Naroon din si Mayor Andrew at mga taga-Mayor’s Office para manood.

Na-Google tuloy namin kung ilan ang populasyon ng Cuyo, at sa latest nitong survey ay nasa 22,360 lang ang tao sa Cuyo. At based pa rin sa magagandang lugar na posted sa website nito, isa pala sa mga dinadayo sa Cuyo ang Amanpulo Resort.

Pagbalik sa Manila, balik-taping muli si Alden dahil sa Friday naman ay may GMA regional show ang Victor Magtanggol sa Bacolod City, sa Main Atrium ng Robinson’s Place. Makakasama ni Alden sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, at Pancho Magno.

-Nora V. Calderon