TEMANG pangpamilya, about friendships, about yourself, lalo na at maraming kabataan ang dumaan sa depresyon ang tinutumbok sa pelikulang Spoken Words, sa presscon cum premiere night ng pelikula nitong Sabado night, sa SM North EDSA.

Napansin lang namin dun sa Spoken Words presscon na pawang newbies ang tampok sa pelikula, headed by Ervin Bautista Buenaventura, followed by Matt San Juan, Mich Rapadas, John Patrick Picar, Patrick Alba, Marco Novenario, Reinzl Mae Bolito, Bavick Revil, Jay Novenario, Bernice Aquino, Erika Mae Salas, Miz Antonio, ang It’s Showtime Kalokalike grand winner na si Jon Romano, at ang online sensation at spoken word icon na si Abe Berma. Wala kaming nakitang big named star sa premiere night. Ang kilala lang namin sa kanila ay ang singer-actress na si Erika Mae, na alaga ng kaibigan at kasamahan namin sa panulat na si Ms. Anne Venancio.

Pero tipong hindi na kailangan pa sa nasabing pelikula ang big named stars dahil sa tema pa lang ng pelikula ay tiyak na magiging word of mouth ito, lalo na at lilibot ang promotion sa mga eskuwelahan bago ipalabas sa mga sinehan sooner than soon. For sure ay maraming kabataan na dumaan sa depresyon ang makaka-relate, pati na rin ang kani-kanilang magulang, dahil sabi nga ng isa sa dalawang director ng Spoken Words, “this is a family millennial movie”.

During the Q&A portion ay natanong ni Yours Truly si Ervin kung meron siyang kinikimkim na salita na hindi niya masabi, pero gusto niyang sabihin, at kanino niya ito unang sasabihin, sa girlfriend niya, sa best friend niya, o sa mga magulang niya?

Tsika at Intriga

Nora lumapit para ibenta lupain sa Iriga; Chavit, sinagot hospital bills niya

“I’m sure aware po tayong lahat na sobrang kumportable natin kapag sa kaibigan natin tayo nagko-confess ng ganito, ganyan, ‘di ba? Pero kung tatanungin n’yo po ako kung may kinikimkim ako na gusto kong sabihin na problema, una ko pong sasabihin sa Nanay ko. Kasi feeling ko siya ‘yung mas nakakakilala nang husto sa akin. ‘Yung mas makakaintindi sa akin,” sagot ng Ervin.

“Nakaranas ka na ba ng depresyon, at ilang beses na?” hirit na tanong uli ni Yours Truly.

“Siguro sadness. Lagi naman po ‘yun ganun, eh. High school days, college days. Minsan nasasabi mo sa sarili, ‘kawawa ako kapag napapagalitan, pero feeling ko po hindi ‘yun depresyon. Sadness lang.”

Si Erika Mae Salas ay nakilala bilang singer. Kumusta naman ang acting niya rito sa Spoken Words?

“It’s fun po and being with them, with my co-stars here. Sobra pong naging close ang bonding namin and ang dami ko pong bagong mga experiences dito po sa movie na ito. At sa film po na ito ay mare-realize mo po about having a family, and appreciate your friends more,” ani Erika.

Korek! May kasabihan nga na kapag umabot sa more than seven years ang pagiging friends ng dalawang tao ay considered na family members na sila. Yes, may ganun! Isa rin ang tunay na pagkakaibigan sa mga temang tinutumbok ng Spoken Words, sa true lang.

Anyway, ang Spoken Words ay isinulat ni Joshua Ordoñez and under the direction of Ronald Abad at John Ray Garcia, produced by RLTV Entertainment Production in cooperation with Infinite Power Tech.

-MERCY LEJARDE