PAREHONG nag-post sa kani-kanyang Instagram accounts ang mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan ng ultrasound ng kanilang first baby habang may week-end outing sila with some Kapuso artists sa San Fernando, La Union.

Arthur at Rochelle

Post ni Rochelle: “God answers when you least expect it... in HIS perfect time!”

Post naman ni Arthur: “Answered prayer. Thank you God.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi sinabi ng mag-asawa kung ilang months na ang magiging baby nila. Pero masaya sila na after one year of marriage, heto na ang pinakahihintay nilang baby.

Naalala namin nang bumisita kami minsan sa taping ng Pepito Manaloto, na isa sa cast si Arthur, at natanong naming siya kung kailan ba sila magkakaroon ng baby ni Rochelle.

“Next year po, sigurado na ‘yun,” sagot ni Arthur.

Kaya pala ganun kasigurado noon si Arthur na magkakaroon na sila ng baby.

Napuno ng maraming pagbati ang IG accounts ng mag-asawa. Ang kay Rochelle ay mula sa mga kapwa Kapuso stars, particularly mula sa cast ng kanyang family drama series na Onanay, headed by their director Gina Alajar.

Mabuti na lamang at mabait ang character ni Rochelle sa Onanay at hindi niya kailangang mag-action o magalit tulad ng mga nauna na niyang seryeng ginawa. Bumati rin sa kanya ang mga dati niyang kasama noon sa Sex Bomb Dancers.

Happy rin for Arthur ang mga kasama niya sa Pepito Manaloto at ang mga kasama nila ni Rochelle sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan.

Congratulations, Arthur at Rochelle! Ano kaya ang gender na gusto nila para sa kanilang first born?

-NORA V. CALDERON