Maaari nang gamitin ng mga Pilipino ang personal na ari-arian, kagamitan, at mga alagang hayop bilang collateral para makautang sa bangko.

Ayon kay Senador Bam Aquino, ganap na kasing batas ang Republic Act 11057 o ang Personal Property Security Act.

Aniya, magkakaroon na ng mas maraming pagkakataon ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na makakuha ng puhunan dahil maaari na nilang gamitin ang personal na ari-arian tulad ng inventory at kagamitan, bilang collateral sa pautang.

Naglagay rin ang batas ng proteksiyon kaugnay sa pagtanggap ng movable assets bilang collateral.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

“This just one step towards inclusive finance in the Philippines,” ani Aquino.

-Leonel M. Abasola