NALUSUTAN ng University of Santo Tomas ang mid game run ng Arellano University upang mapanatiling malinis ang kanilang marka sa pamamagitan ng 25-19, 25-21, 23-25, 14-25, 15-8, panalo kahapon sa 2018 Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre.

Kinailangan ng Espana-based squad na magsagawa ng adjustment sa kanilang lineup na gumana naman sa first two sets, kung saan maglaro ang senior na si Ty Carodan na opposite hitter sa halip na center dahil wala si rookie Genesis Redido.

Nagdeliver naman kahit naiba ang kanyang posisyon ang starting middle blocker na nakabalik sa kanyang normal position sa fifth set para tapusin ang laban.

Tumapos si Carodan na may 14 puntos na binubuo ng 11 attacks, 2 aces, at isang block kasunod si second-year player Joshua Umandal na may 16 points para sa UST

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Inexplore ko lang kung san ko pwedeng ilagay yung mga players, pero yung fifth set, yun talaga yung line-up dapat,” ani UST Head Coach Odjie Mamon.

Susunod ns makakalaban ng 8-0 Golden Spikers ang kapwa UAAP team NU Bulldogs sa Linggo.

Nanguna naman si Christian Dela Paz, para sa Chiefs(0-8) sa iniskor nitong 18 points.

-Marivic Awitan