NALI-LINK sa Kapuso actress na si Bea Binene ang Hashtags member ng It’s Showtime na si Vitto Marquez.

Vitto copy

Sa presscon ng Petmalu, naitanong sa anak ni Joey Marquez ang tungkol dito, at kaswal ang naging sagot ng binata.

“Kaibigan ko siya. Mahal ko siya as a friend,” ani Vitto.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nilinaw din ng batang Marquez na bukod sa pagiging friends, hindi pa raw nagle-level up ang kanilang samahan.

“Wala, kaibigan (lang)!” nilinaw niya.

Sakaling makarating kay Bea ang kanyang sagot, ready ba siyang pangatawanan na sila’y magkaibigan lang pala?

“Basta, hindi ko idine-deny at ayoko rin kasing mag-namedrop.”Mayroon daw siyang ibang minamahal sa ngayon, at taga-showbiz din. Same network ba sila?

“Hindi, pero hindi pa naman kasi ako artista noong time na ‘yun. Ngayon kasi, mahal ko talaga ang trabaho ko, sobra,” sabi ni Vitto. “’Yung love sa tao, hindi naman nawala, nandiyan lang ‘yun, pero mas pina-prioritize ko ang trabaho ko.”

Gaya ng co-Hashtag member niyang si Jon Lucas na umamin kamakailan na may anak na, naitanong din kay Vitto kung isa rin siyang batang ama?

“Ako?!” nandidilat niyang pagtanggi.

Naiintindihan naman daw ni Vitto na may dahilan kung bakit nagkaroon na ng anak ang ibang members ng Hashtags.

“May dahilan kung bakit nangyayari. Ako po kasi, gusto kong maging successful. Gusto kong maipakita ‘yung platform na gusto kong maiwan sa showbiz.”

Lumaki si Vitto sa showbiz dahil sa mga magulang niyang parehong artista—sina Joey Marquez at Alma Moreno. Nasa showbiz din ang ate niyang si Winwyn Marquez, pati ang half brothers niyang sina Vandolph Quizon at Mark Anthony Fernandez.

Marami naman ang hindi makapaniwala nang sabihin ni Vitto na at his age ngayon na 22 ay “SSB” siya, o single since birth?

Ibig niyang sabihin, nanliligaw at nagkakaroon naman siya ng friends na babae, pero hindi umabot na nakipagrelasyon siya.

“Wala pa akong naging girlfriend, pero may minahal ako,” aniya.

Hindi lang daw naging official ang relasyon nila kaya hindi sila nauwi sa relasyon.

“Siguro hindi po kasi ako mabilis ma-fall. I tried naman, pero may gusto po kasi ako sa buhay na marating na alam ko na kaya ko.

“Siguro po kasi, kapag kinakausap ko ang tatay ko, hindi niya ako kinakausap na parang bata. So, lahat ng sinasabi niya sa akin, pumapasok sa isip ko.”

Masaya si Vitto sa takbo ng kanyang career, from It’s Showtime, bilang Hashtags member ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng film projects. Para sa batang aktor, may gusto siyang patunayan sa sarili. Para raw sa kanya, sa pamilya, parang siya pa lang ang walang napapatunayan.

“May gusto po talaga akong ipakita sa tao na kaya kong mag-isa. Kasi, underdog ako sa pamilya. Parang ako yung nanliliit sa mga kapatid ko. Kasi, ang kapatid ko, lawyer, doctor, businessman. Hindi ko alam kung saan ako pupuwesto.

“Pero dito ko nakita, mahal na mahal ko po ang trabaho ko. Lahat ng nangyayari sa Showtime, mga movies, hands-on po talaga ko,” sabi pa ni Vitto.

-Ador V. Saluta