SI Alex Gonzaga ang isa sa mga unang nakakita kay Robi Domingo na may ka-date sa isang mall. Malabo ang video na ipinost ni Alex, kaya kahit hindi pa kilala ang girl ay pinuna na at hinusgahan na agad ito ng netizens.

Robi at Maiqui

Sa isang photo na inilabas ni prihi_tini_admuni, malinaw na ang face ng girl na naka-abre siyete kay Robi. Sinasabing girlfriend daw ito ng TV host.

Ang sinasabing GF ni Robi ay ang Atenista ring si Maiqui Pineda, na sa mga litrato ay tsinita ring gaya ng ex-GF ni Robin na si Gretchen Ho.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Galing sa pamilya ng mga Tantoco si Maiqui. Apo siya ni Maritess Tantoco-Pineda, isa sa mga anak ng may-ari ng Rustan’s, kaya hindi siya puwedeng i-bash.

Anyway, matagal na rin namang break sina Robi at Gretchen. Naka-move on na sila pareho, kaya hayaan na natin silang maging masaya sa piling ng iba.

Sa nakita naming litrato na magkasama sila, mukhang bagay naman sina Robi at Maiqui. Hintayin na lang nating formally ay i-introduced na ni Robi sa publiko ang bago siyang girlfriend.

-Nitz Miralles