IPINAHIWATIG ni Top Rank big boss Bob Arum na bagama’t wala silang napagkasunduan ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao nang dumalaw siya sa Pilipinas kamakailan, nagpakita ang Pinoy boxer ng kagustuhang harapin si WBA lightweight champion Vasily Lomachenko sa catchweight na 140 pounds.

Sa panayam ng BoxingScene.com, ipinagyabang ni Arum na maayos ang naging pag-uusap nila ni Pacquiao na iginiit na ang kompanyang MP Promotions ang nangangasiwa sa karera nito ngayon.

‘’Very cordial, very good,” paglalarawan ni Arum sa pag-uusan nila ni Pacquiao.

Sa huling laban ni Pacquiao na nagwagi ito via 7th round knockout kay Argentine Lucas Matthysse, ang MP Promotions ang nangasiwa sa promosyon samantalang ang Top Rank ang naging responsable sa distribusyon sa telebisyon ng mga sagupaan na pumatok sa ESPN.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Hinggil sa laban kay Lomachenko, iginiit ni Arum na puwede itong maganap sa Mayo 2019 dahil magdedepensa pa ang Ukrainian sa magwawagi kina WBO 135-pound titlist Ray Beltran ng Mexico at challenger Jose Pedraza ng Colombia sa Disyembre 1 sa The Forum, Los Angeles, California sa Estados Unidos.

‘’I think very [much],” sagot ni Arum sa posibilidad ng sagupaang Pacquiao at Lomachenko. ‘’We’d get a catch-weight.’’

“Yes, but you know, again, we now know what he is looking for in the future as far as fights are concerned and it’s our job to come up with he fights, the money, the dates, the sites and everything - and at least now we know exactly what he wants - but I’m not going to get into it,” dagdag ni Arum.

Hinggil sa problema sa buwis ni Pacquiao sa Amerika, hahayaan na lang ni Arum na sagutin ito ng mga tagapayo ni Pacquiao.

“That’s hard to say, that is not really something that I’m up to,” dagdag ni Arum. “That depends on, again, him and his adviser. It’s not something for me to opine on.”

-Gilbert Espeña