NAG-STORYCON na ang reunion movie nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Sharon Cuneta sa Star Cinema, na pinamagatang The Three Words to Forever. Makakasama nila sa pelikula si Kathryn Bernardo, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kathryn copy

Tuwang-tuwa siyempre ang fans nina Sharon at Richard na matagal na ring naghihintay na muling mapanood ang dalawa, at nataon pa ang kanilang pelikula sa 30th anniversary nila as a love team. I-schedule na siguro ang shooting ng dalawa at hindi naman siguro totoo na Saturday and Sunday lang puwedeng mag-shooting si Richard dahil sa Ormoc siya namamalagi.

Kilalang makuwento si Sharon sa Instagram, but this time, parang tahimik siya at puro pictures sa storycon lang ang ipinost ng Megastar. Nag-post lang si Sharon para magpasalamat na nag-trending ang storycon.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Thank you everyone for a wonderful beginning and the good vibes for ‘THREE WORDS TO FOREVER’. We love you!!! Richard, Sharon, Kathryn and Direk Cathy.”

Sunud-sunod pala ang happening ni Sharon, dahil bukod sa gagawing pelikula with Richard, may ire-release rin siyang album. Sa September 28, gagawin naman sa Smart Araneta Coliseum ang concert niyang My 40 Years.

May sagot naman si Sharon sa fans na nagtanong kung magkakaroon ng meet and greet ang mga bumili ng VVIP ticket: “Naku wala mga anak. ‘Pag Araneta o malaking venue wala talaga, di kaya. 15-20k na audience, retired na kami sa showbiz ‘di pa tapos mit en grit. Hahaha.”

-Nitz Miralles