SA kasalukuyan, dalawang Lakorn o mga teleserye mula sa Thailand ang ipinalalabas sa Heart of Asia ng GMA Network. Unang naipalabas at nagustuhan ng mga tagasubaybay sa GMA 7 ang You’re My Destiny at sa kasalukuyan ay ipinalalabas ang Princess Hours na kinakikiligan ng mga televiewers gabi-gabi pagkatapos ng Inday Will Always Love You nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Maine at Alden

Nag-post ang AlDub Nation Worldwide na ipalalabas naman ng JKN Global Media ng Thailand ang first teleserye ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours (DTBY) na ipinalabas sa GMA 7 from February to May, 2017. Hindi kaya nagustuhan ito ng JKN Global Media dahil hawig din ang story ng kanilang You’re My Destiny?

Masaya ang AlDub fans na nasa Thailand dahil mapapanood na rin daw nila ang mga idolo nila. Sayang nga lamang at ang teaser ay in Thai language kaya hindi namin alam kung kailan ito magsisimula, pero ang serye ay mapapanood na in Tagalog dialogue at may Thai sub-title.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabuhay tuloy muli ang wish ng AlDub Nation na muling makagawa ng teleserye sina Alden at Maine sa GMA. Pero sa ngayon, si Alden ay busy sa kanyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol at si Maine naman ay nagsimula nang mag-shooting ng Jack Em Popoy with Vic Sotto at Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival sa December, 2018.

Kung si Alden ay superhero na nagtatanggol sa mga inaapi, for GMA Network, si Maine naman ay gaganap na isang policewoman na magtatanggol sa kanyang kapwa, kaya nag-aral siya ng target shooting para sa kanyang role na ibang-iba sa ginagawa niya sa Eat Bulaga. Ang festival movie ay produced ng CCM Film Productions, M-Zet Productions at APT Entertainment Inc.

-NORA V. CALDERON