IPINAGDIRIWANG ni Anne Curtis ang kanyang 2lst anniversary sa showbiz, at bahagi ng selebrasyon ang concert niyang gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 18, ang Anne Kulit: Promise, Last Na ‘To.

Anne copy

“Gusto ko nang ipahinga ang aking boses at wakasan na ang aking pagloloka-lokahan. Pero idea ito ni Boss Vic del Rosario, and since there is something to celebrate about, eh ‘di sige. Kung sa Buy Bust ay halos magkabali-bali ang buto ko, ito pa kayang mag-concert?”nakangiting wika ni Anne

Bakit nga ba laging sold-out ang concert ni Anne, gayung hindi naman siya singer?

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Ayon sa marami, nagpapakatotoo lang si Anne, at she never claimed that she is a singer. Sa kabila nito, sobrang entertained sa kanya ang balana sa mga gimmick niyang ipinakikita sa show.

Another factor ay laging inaabangan ang costumes na isinusuot ni Anne sa kanyang mga concert. Sa Anne Kulit ay sa fashion naka-focus ang show at pawang astig na designers ang kinomisyong gumawa ng kanyang outfits. All systems go, ‘ika nga, dahil last na ito.

At kakayanin ni Anne na makipagsabayan sa pagkanta sa kanyang mga special guests, kabilang na sina Regine Velasquez, James Reid, Sarah Geronimo, ang Ex Battalion, at Aegis.

After the concert, gagaang na ang schedule ni Anne at matutuloy din ang delayed honeymoon nila ni Erwan Heusaff sa South Africa sa Nobyembre.

-REMY UMEREZ