Sa selda ang bagsak ng dalawang empleyado ng Marikina City Hall dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga cable wire ng isang telephone company sa Barangay Nangka, Marikina City, kamakalawa.

Kasong theft ang kakaharapin nina Arnold Salvatierrra at Emil Domingo, kapwa nasa hustong gulang, ng Marikina City Engineering Department.

Sa ulat ng Marikina City Police sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba, inaresto ng nagpapatrulyang mga Security Patrol Officers ng telephone company ang mga suspek sa J.P. Rizal Street, sa Bgy. Nangka, dakong 11:20 ng gabi.

Nahuli ng mga ito sa akto ang mga suspek na pinuputol at ninanakaw ang mga cable wire ng kumpanya sa konkretong poste, gamit ang mga equipment ng city hall.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad itinurn-over ang mga suspek sa duty patrollers ng Police Community Precinct (PCP)- 5 ng Marikina City Police.

Nakumpiska sa mga suspek ang 60 metrong cable wire na tinatayang nagkakahalaga ng P25,000.

-Mary Ann Santiago