Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lumikha ng uniform anti-drug advocacy program para sa Sangguniang Kabataan (SK) sa pag-asang mabigyan sila ng edukasyon at maipalaganap ang masasamang epekto ng droga.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron N. Aquino sa SK Summit sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando City, Pampanga kamakailan, na 10 porsiyento ng annual budget ng SK mula sa pondo ng barangay ang maaaring gamitin para sa implementasyon ng anti-drug advocacy programs sa kanilang komunidad.
Ang uniformed anti-drug advocacy programs para sa SK ay ipatutupad katuwang ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Interior and Local Government (DILG).
“We dream to have a country that is free of drug menace. We encourage you to share this dream and start putting it into reality,” ani Aquino sa 8,000 youth participants.
-Chito A. Chavez