BUKAS palad na tinanggap ng Indonesia Asian Games Organizing Committee (INAGOC) ang muling paglahok ng Philippine-Gilas sa men’s basketball competition ng 2018 Asian Games.
Ngunit, nagkaroon ng pagbabago sa set ng grouping, dahilan para malipat ang bansa sa Group D mula sa dating Group B kasama ang 29th ranked China at 69th-ranked Kazakhstan .
Bago ang re-entry, ang Gilas Pilipinas ay kabilang sa Group B kasama Iran (25th), Syria (87yh), at UAE (125th).
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Nationals upang makausad ng quarterfinals.
Huling naglaban ang Gilas at Kazakhstan noon pang 2013 FIBA Asia Cup, kung saan nanalo ang ating pambansang koponan, 88-58 sa quarterfinals.
Wagi din ang Gilas sa huling laban nito kontra China, 96-87 sa Group Stage ng 2017 FIBA Asia Cup.
Gayunman, malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng Gilas Pilipinas sa nasabing dalawang pagkakataon sa koponang isasabak sa darating na Asian Games. Marivic
“Mas maganda ‘yung unang grupo natin kasi nandoon ‘yung Iran pero nandoon din ‘yung UAE and Syria,” pahayag ni RP team coach Yeng Guiao.
“Hindi ko alam kung bakit nalipat ‘yun. Pero I’m not really sure (if final na).”
Tumapos ang China sa ikalimang puwesto sa 2014 Asian Games, at quarterfinalist sa 2017 Fiba Asia Cup.
“It’s a tall order. Not really sure how strong the Kazakhstan team is right now but we will start scouting them and study the way they play. Kailangan natin mai-panalo ‘yun kung totoo na ‘yun na ‘yung grouping natin,” sambit ni Guiao.
-Marivic Awitan