Bilang tugon sa kanyang anti-corruption drive, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal ng Nayong Pilipino Foundation board and management na pinangangasiwaan ng gobyerno, kaugnay ng pag-apruba sa iregular na long-term lease contract para sa isang pag-aari ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais din ng Pangulo na kanselahin ang 70-taong kontratang upa, na ayon sa kanya ay “grossly disadvantageous” para sa pamahalaan.
Nagdesisyon ang Pangulo sa pulong ng Gabinete nitong Lunes, at kinumpirma ito ni Roque kasabay ng araw na paglulunsad sa kontrobersiyal na proyekto ng Nayong Pilipino.
“The President started the meeting by expressing his exasperation that corruption continues even in his administration. He cited the case of Nayong Pilipino which leased government property for a ridiculous long period of time of 70 years beyond a lifetime of anyone,” pahayag ni Roque sa press briefing.
“He considered this as a contract which was grossly disadvantageous to government. He therefore announced that he was sacking all members of the board and management of Nayong Pilipino,” dagdag niya.
Ayon kay Roque, ilalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang order sa pormal na pagsibak sa buong pangasiwaan at lahat ng kasapi ng konseho ng Nayong Pilipino sa mga susunod na araw.
Hindi naman kinumpirma ni Roque kung sasampahan ng kaso ang mga opisyal.
-GENALYN D. KABILING, ulat ni Beth Camia