Sumipa ng mahigit sa limang porsiyento ang presyo ng ilang bilihin sa bansa sa ikapitong sunod na buwan, batay sa median forecast sa inflation rate.
Sa nasabing ulat, nasa 5.7 porsiyento ang itinaas ng consumer price index nitong Hulyo, mas mataas sa 5.2% na nai-record noong Hunyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang naitalang 5.7% ay maituturing na fastest rate sa nakalipas na limang taon.
Ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay naitala sa siyam sa 11 pangunahing bilihin, kabilang ang “food and non-alcoholic drinks” na umangat ng 7.1% nitong Hulyo lang.
Mabilis din ang pagtaas ng presyo ng bigas sa 5.4%, mula sa 4.7% noong Hunyo.
Ang pinakamabilis na taas-presyo ay naitala sa National Capital Region sa 6.5%, mula sa dating 5.8%.
-Beth Camia